^

PSN Showbiz

NWR, hatid ang OPM nostalgia ngayong ber months

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
NWR, hatid ang OPM nostalgia ngayong ber months
Nina
STAR/ File

Siksik ang Newport World Resorts ng mga show sa buwan ng Set­yembre at Oktubre sa pangunguna nina Nyoy Volante, Nina, Alex Calleja, The CompanY at Neocolours at Morgan Jay —mula sa soulful acoustic nights at OPM nostalgia hanggang sa homegrown stand-up comedy at international musical comedy.

Sisimulan ito ni Nyoy Volante ngayong gabi, Sept. 19, na bibida sa ikalawang ins­tallment ng 360° LIVE sa Bar 360.

Kilala sa kanyang acoustic pop sound, hatid ni Nyoy ang mga paboritong kanta sa mga tagapakinig ng OPM tulad ng Nasaan, You’re My You at Time Machine.

Maghandang maki-sing-along sa pagbabalik ni Nina sa Newport Performing Arts Theater para sa NINA XX: The Repeat sa Sept. 24.

Matapos ang tagumpay ng NINA XX: The Anniversary Celebration noong Mayo, muling magtatanghal ang Diamond Soul Siren na may mga bagong karagdagan sa show at maririnig ulit nang live sa big stage ang ilan sa kanyang iconic songs tulad ng Jealous, Someday, I Don’t Want to Be Your Friend, Love Moves in Mysterious Ways at Through the Fire. Makakasama niya sa repeat performance sina Christian Bautista, Top Suzara at Thor Dulay.

Pagdating ng Oktubre, tawanan naman ang unang sasalubong sa pagdiriwang ng nakakatawang birthday celebration ng comedian na si Alex Calleja sa HAPPY 4 ALL! A Birthday Comedy Special sa Oct. 7.

Available ang mga ticket para sa HAPPY 4 ALL! A Birthday Comedy Special sa lahat ng Ticketworld outlets.

Magsasama naman sa unang pagkakataon sa iisang concert stage ang The CompanY at Neocolours sa Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin! sa Oct. 8 sa Newport Performing Arts Theater.

Hatid ng premier vocal group ng Pilipinas na The CompanY na binubuo nina Annie Quintos, Moy Ortiz, OJ Mariano at Sweet Plantado ang mga kantang minahal at iningatan ng fans sa paglipas ng mga taon gaya ng Everlasting Love, Muntik Na Kitang Minahal, Now That I Have You at Pakisabi Na Lang.

Samantala, magdadagdag naman ang Neocolours ng isa pang wave ng nostalgia sa pamamagitan ng OPM classics na patuloy pa ring tumatatak hanggang ngayon, kabilang ang Tuloy Pa Rin, Maybe, Hold On, Say You’ll Never Go at Kasalanan Ko Ba.

Dadalhin ng American comedian at musician na si Morgan Jay sa Newport Performing Arts Theater for the first time ang kanyang kilalang kombinasyon ng stand-up comedy, musika, improvisation at audience interaction.

Nakatakda ang sold-out performances ng The Goofy Guy Tour sa Oct. 14, 7 p.m. at 9:30 p.m. 

NINA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with