Marcos walang planong mag-resign - Malacañang

MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na walang plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw sa kanyang puwesto.
Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod nang pahayag mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte na nakahanda siyang humalili sa pagkapangulo.
Ayon kay Castro na patuloy ginagampanan ni Marcos ang kanyang tungkulin at nagtatrabaho para sa bansa at mga Pilipino.
Sinabi pa ni Castro na “wish” lang nila yun dahil tumutupad ang pangulo sa kanyang tungkulin at nagtatrabaho para sa bayan, sa bansa at sa taumbayan.
“So kung wish nila na magre-resign ang Pangulo, I’m sorry,” giit pa ni Castro.
Sinagot din ni Castro ang akusasyon ng kampo ni Duterte na ang mga senador, police officials, at iba pang nasa gobyerno ay kontrolado ng Malacañang kaugnay sa impeachment case.
Tumutupad lang aniya ang mga ahensiya ng gobyerno sa kanilang mga mandato at kailangang tugunan ni Duterte ang mga isyu at reklamo na ibinabato sa kanya sa halip na akusahan ang gobyerno ng persecution.
- Latest
















