Aplikasyon ni Roque ng asylum tinabla
MANILA, Philippines — Itinabla ang aplikasyon na asylum ni dating Presidential Spokesman Harry Roque.
“By the way, tapos na ‘yung asylum, na-deny ‘yung asylum ni Harry Roque. Tapos na ‘yung five months. Kung may red notice na, kukunin ko siya,” wika ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Martes.
Hindi naman tinukoy ni Remulla kung anong bansa ang tumanggi sa asylum bid ni Roque.
Matatandaan na noong Nobyembre 2025, kinumpirma ni Roque na nag-apply siya ng asylum sa Netherlands. Pero ipinasa ang kanyang aplikasyon sa Austria dahil ito ang bansang nagkaloob sa kanya ng visa.
Nahaharap si Roque sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng Lucky 99 Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac,Pampanga.
- Latest




















