^

Metro

Armadong lalaki naghasik ng takot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Armadong lalaki naghasik ng takot
Stock image of a gun.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Naghasik ng takot at pangamba sa mga tao ang isang lalaking armado ng baril at pagala-gala, sa residential area, sa Muntinlupa City, Biyernes ng gabi.

Dahil sa sumbong ng mga residente, nadakip ang suspek na si alyas “Jess” 45-anyos, tricycle driver, residente ng Barangay Cupang, Muntinlupa City, dakong alas-10:15 ng gabi ng Setyembre 11, sa PNR Site, Purok 2, Brgy. Cupang, Muntinlupa.

Sa ulat, itinawag sa Muntinlupa City Police Station ng concerned citizens ang presensya ng lalaki na may bitbit umanong baril habang palakad-lakad sa kalye, kaya agad na nagsagawa ng beripikasyon ang pulisya.

Naabutan at nahuli sa isang barung-barong ang suspek kaya agad na dinisarmahan.

Nasamsam ang isang kalibre .38 na revolver na may buradong serial number, at kargado ng 2 bala.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with