^

PM Sports

Meralco, Converge bibidasa PBA on Tour sa Isabela

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Meralco, Converge bibidasa PBA on Tour sa Isabela
Meralco's Brandon Bates
PBA Images

MANILA, Philippines —  Meralco at Converge naman ang ibibida ng PBA on Tour ngayon sa Santiago City Sports Arena sa Isabela pa rin matapos ang pagbisita sa Ilagan kahapon.

Mananatili sa Isabela ang PBA on Tour para sa ikatlong laro nito matapos magpangbuno ang San Miguel at Phoenix kahapon sa Capital Arena sa Ilagan City.

Nauna nang dumayo ang PBA sa San Jose del Monte, Bulacan para sa pagbubukas ng PBA on Tour tampok ang 109-107 panalo ng Blackwater kontra sa NLEX.

At tulad ng mga ibang koponan na wala ang ibang ace players, hindi rin makakasama ng Meralco si Brandon Bates pati na sina Justin Arana at Justine Baltazar ng Converge ngayon sa Santiago.

Pare-parehong bahagi ng all-PBA Gilas team ang mga naturang manlalaro kasama sina Sedrice Barefield ng Blackwater, Robert Bolick ng NLEX, Don Trollano at Jerrick Ahanmisi ng San Miguel.

Kasalukuyang nasa Japan ang Gilas para  depensahan ang trono sa Asian Games bagama’t sumemplang ito sa unang sultada, 89-85, kontra sa Bahrain sa Group C.

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with