^

Police Metro

DOJ: Tanging Pangulo lang ang ligtas sa kaso

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tanging ang Pangulo ng bansa ang may “immunity from suit” sa gitna ng mga naiulat na claim ng kampo ni Bise Presidente Sara Duterte na hindi dapat sinampahan ng kaso.

Ito ang pinanindigan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Fredde­rick Vida nitong Huwebes sa isang press briefing.

Ikinalungkot din ni Vida ang pagbanggit ni Duterte na hindi siya nakakaramdam ng kaligtasan sa bansa.

“Nakakalungkot po na para sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa na ano… of course, these are legitimate feelings. I don’t like to speculate where she is coming from,” ani Vida.

“Nakakalungkot pero patuloy naman po pinatotohanan ng ating iba’t ibang law enforcement agencies na sila ay handa at gaganap sa kanilang tungkulin para ma-secure hindi lamang ang ating vice president, kundi lahat ng Pilipino,” aniya pa.

Maaalalang nagsampa ang DOJ ng tatlong bilang ng grave threats laban kay Duterte bunsod ng kanyang pahayag na umupa siya ng tao para patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez, sakaling magtagumpay ang umano’y balak laban sa kanya.

Nagpiyansa si Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) noong Sabado, isang araw matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats.  

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with