^

Police Metro

13-anyos, todas sa sakal ng lubid

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na binatilyo ang nasawi nang aksidenteng masakal ito ng lubid sa leeg sa likod ng isang piggery sa Brgy. Cogon, Danao City, Cebu.

Sa naantalang ulat ng Danao City Police, nangyari ang insidente sa nasabing lugar, alas-11:00 ng umaga noong Sabado.

Bago ang insidente ang bata ay inutusan ng kaniyang ama na silipin ang kanilang piggery para tiyakin na ang mga biik ay hindi matatapakan o madadaganan ng kanilang inahing baboy.

Habang nasa loob ng kanilang bahay ay narining ng ama ang iyakan ng mga biik kaya pinasundan sa isa pa nitong anak na 11-anyos ang kaniyang kuya para tingnan kung nasa piggery ito.

Gayunman, nabigo ang 11-anyos na matagpuan ang kaniyang kuya kaya sinabi sa ama na wala roon ang kapatid.

Nagtungo sa piggery ang ama para hanapin ang anak at laking gulat nito nang makitang nasilo ng lubid sa leeg at hindi na ito gumagalaw.

Ang nasabing lubid na silo ay pantali sa inahing baboy na nakasabit sa piggery.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima, pero idineklara na itong dead-on-arrival.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with