Romnick, inaming tanga sa pera!

“Financially tanga ako,” kumpisal ni Romnick Sarmenta kasabay ng pag-amin na blessed at fortunate siya na mapasama sa matapang na six-part mini-series na Drug War: A Conspiracy of Silence ng Rein Entertainment na kasalukuyan nang napapanood sa YouTube channel ng Rein Entertainment.
As in wala raw siyang pakialam sa TF (talent fee) basta sa tingin niya ay worthy ang proyekto ayon sa actor nung nakausap namin siya sa advance screening ng ika-apat na episode nito na ginanap sa Cinema ‘76 last Wednesday.
Ginagampanan niya ang papel bilang Ramon Agustin sa Drug War na nakatuon sa kuwento ng ‘tokhang.’
“More than that, gusto kong malaman nila ‘yung nangyayari sa kapwa nila. More than that, gusto kong sabihin na pwede bang magmalasakit tayong lahat sa isa’t isa? Pwede bang may pakialam tayo? Hindi sa pakikialam kundi ‘yung may kinalaman tayo at meron tayong gustong itulong sa buhay ng kasama natin sa buhay, ‘di ba? ‘Yung ganun lang. So it was very easy. It was very easy when I heard about the project and they said ‘sama ka.’ Sabi ko ‘game, go,’ ‘di ba? Parang it matters and anything that matters should matter to everyone,” paliwanag niya.
Si Ramon ay isa sa mga naging biktima ng ‘tokhang.’ Anak niya si Kiko (Harvey Bautista) sa series na ang husay rin, isang rehabilitated drug user na pilit dinidiskubre ang naging kaso ng ama katulong ang pari na si Tom Carillo (Ian Veneracion).
Angel, may agenda kay Shaina?!
Mas umiinit ang kwento ng My Bespren Emman: Ang Totoong Laban sa pagsali nina Luis Alandy, Angel Aquino and Epy Quizon sa pagpapatuloy ng kuwento nito sa book 2 na puno ng bigger twists, new mysteries at mas matinding emotional stakes.
Epy Quizon steps in as Emman, ngayon ay namumuhay bilang isang karpintero pero dala pa rin ang pusong minahal ng manonood.
Sa gitna ng mas mabibigat na pinagdaraanan ni Mateo (JM de Guzman), si Emman kaya ang maging bespren na muling tutulong sa kanyang buuin ang buhay?
Angel Aquino plays Sapphira, ang mysterious owner ng Nirvana Wellness Spa na kumuha kay Ruth (Shaina Magdayao).
Meanwhile, Luis Alandy joins as Jeremiah, dating co-teacher at ex-boyfriend ni Nica (Donna Cariaga) na tutulong sa Team Mateo. Pero sa pagbabalik niya, support lang ba ang dala niya—or pati bagong kilig at komplikasyon?
With Emman’s return, Sapphira’s secrets, and Jeremiah’s comeback, audiences can expect more drama, more kilig and more twists that could change everything.
Mapapanood ang My Bespren Emman: Ang Totoong Laban, Mondays to Saturdays at 2:30 p.m. on TV5, ALLTV, Kapamilya Channel at iba pang platforms.
- Latest





















