^

Probinsiya

Parak tinagpas kamay ng nag-amok na baliw!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Parak tinagpas kamay ng nag-amok na baliw!
Kalunus-lunos ang sinapit ni Police Staff/Sgt. Noli Miraña nang maputol ang kanyang kamay nang tagpasin ng itak ng isang baliw na lalaking nag-amok, makaraang rumesponde ang una sa Brgy. Calalahan, San Jose, Camarines Sur nitong Sabado ng tanghali.
Jorge Hallare

SAN JOSE, Camarines Sur, Philippines — Naputol ang kaliwang kamay at nasugatan sa mukha ang isang pulis matapos pagtatagain ng nirespondehang nag-aamok na lalaking may sakit umano sa pag-iisip sa Zone-1, Brgy. Calalahan, San Jose, Camarines Sur kamakalawa ng tanghali.

Kapwa nagpapaga­ling na sa Bicol Medical Center sa Naga City ang magiting na pulis na si Staff Sgt. Noli Miraña na naputulan ng kaliwang kamay at nasugatan sa mukha, pati na ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Albert, 38-anyos, residente ng naturang lugar na binaril sa magkabilang hita dahil sa patuloy na pagwawala.

Sa ulat ng Police Regional Office 5, pasa­do alas-12 ng tanghali, humingi ng tulong ang mga residente ng barangay dahil sa paghuhuramentado ng suspek na armado ng itak.

Agad kumilos ang mga pulis sa pamumuno mismo ni Staff Sgt. Miraña at nirespondehan ang lugar. Pagdating doon ay agad nilang payapang kinausap ang nagwawalang lalaki na armado ng itak.

Gayunman, habang kinakausap ay bigla itong sumugod sa mga pulis dahilan para matumba si Miraña kaya naabutan ng suspek at mabilis nitong tinagpas ang kaliwang kamay ng  nasabing pulis.

Dahil sa lakas ng pagtaga, putol at matinding dugo ang umagos sa pulis at nasugatan pa ang kanyang mukha.

Dahil dito, napilitang paputukan ng mga kasamang pulis ang magkabilang hita ng suspek sanhi upang duguang humandusay.

Mabilis at magkasamang isinugod ang su­gatang pulis at suspek sa Partido District Hospital na kalauna’y inilipat sa malaking pagamutan sa Naga City dahil sa maselang kalagayan.

Pinuri naman ng mga opisyal at kapwa pulis ni PSS Miraña na habang buhay nang walang kaliwang kamay dahil sa ipinamalas na katapangan at kagitingan sa tawag ng tungkulin bilang pulis.

NAPUTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with