7 ‘wanted’ sa Quezon nalambat

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Pitong wanted persons, kabilang ang dalawang Regional Most Wanted Person, ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa magkakahiwalay na operasyon kamakalawa.
Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa Lopez, Quezon ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Lopez MPS, IG RIU4A PIT South Quezon, 405th A MC RMFB4A, at 2nd Platoon, 2nd QPMFC si alias Undan, Regional Most Wanted Person, sa bisa ng alias warrant of arrest para sa kasong Murder.
Samantala, dalawang most wanted persons ang naaresto sa Burdeos, kabilang si alias “Rod,” na Rank No. 3 sa Regional Level ng PRO3, at alias “Waldo” na Rank No. 2 sa Provincial Level ng Nueva Ecija; kapwa sa bisa ng warrant para sa kasong Murder.
Naaresto rin sa magkakahiwalay na operasyon ang iba pang wanted persons na sina alias “Dom” ng Lucena CCPS para sa kasong Homicide; alias “Chris” ng Unisan MPS para sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165; si alias “Dio” ng Pagbilao MPS para sa Slight Physical Injury; at si alias “Maring” ng Sampaloc MPS para sa Simple Theft.
- Latest
























