‘Deserve ng Pilipino ng long term solutions’ – Bianca

Maraming netizens ang nag-agree sa tweet ni Bianca Gonzalez sa X patungkol sa dinanas na matinding baha sa Metro Manila.
May part sa kanyang tweet in capital letters pa which is a good thing dahil nakikita at mababasa agad.
“TAMA NA ang band aid, short term, temporary fixes sa tag-ulan. DESERVE NG PILIPINO NG EFFECTIVE LONG TERM SOLUTIONS. Flood control, mass public transport, good governance, atbp. Taun taon nalang ganito. Bakit sa mga katabi nating bansa, kaya naman, eh dito, parang mas lumala.”
Sinundan pa ng pagre-repost ng tweet ng isang netizen na “Sayang ang sipag ng tao sa kurap na gobyerno.”
Sa mga comment, nagpuksaan na naman ang maka-Duterte at maka-Marcos, kanya-kanya silang pagalingan sa pagdedepensa sa gusto nilang idepensa. Nagsisihan na naman ang dalawang kampo at laging ganito ang nangyayari.
Kahit wala namang kinalaman sa pulitika ang tweet ni Bianca, hinaluan pa rin ng pulitika ng bashers. Ang payo nila kay Bianca, ‘wag lang ang DDS (Diehard Duterte Supporter) ang i-kol out niya pati ang gobyerno ni Pres. Bongbong Marcos, i-kol out daw niya.
May nag-comment pa ng “Ayan na naman siya sa performative tweets pero di ma-call out ang apologists friends niya.” Ayon naman sa isa pang netizen, “Sana i-call out mo din ‘yung mga taong hindi marunong magtapon ng basura sa tamang basurahan” at “Sana gets ng friend mo yan maam. Hi Sis Maricel and Da Best Senator ever Robin Padilla.”
SB19 at BINI, magkasama sa ‘island’
Matutuwa ang fans ng SB19 at BINI dahil magkakasama ang favorite P-pop group nila sa isang album.
Ni-report ng Variety na kabilang ang dalawang P-pop group sa artists na kasama sa soundtrack ng Dreamworks animation Forgotten Island.
SB19 performs Mga Kababayan ni Francis M. at A Parallel World naman ang kinanta ng BINI. Kasama rin sa soundtrack ang Never Tear Us Apart performed by Sophia Laforteza of KATSEYE and of course, ang Ang Manananggal Suite, Balik, Bahagi Mo at Magnanakaw featuring Lea Salonga. Magkasama naman sina Lea at ang BINI sa A Parallel World (Amping Mix).
Kasama rin sa soundtrack ang BRB nina Liza Soberano at H.E.R na tampok din sa movie bilang boses nina Jo at Raissa as two best friends na magkasama sa isang adventure. Marami silang makakasalubong na element na magpapa-excite sa moviegoers lalo na ang mga bata.
Kontrabida ang role ni Lea sa movie bilang manananggal at kuwento ng two directors ng movie na sina Joel Crawford at Januel Mercado, nagpadala sila ng pitch kay Lea at agad sumagot ang team nito.
“Salonga said yes and she was already on the same page as us, understanding that the Manananggal didn’t need to speak a lot to be scary.”
Mauunang ma-release ang soundtrack sa Sept.18 at Sept. 25 naman ang opening ng Forgotten Island. Ito na yata ang soundtrack na may pinakamaraming songs with 37 tracks. Sulit na sulit ang bibili ng album.
Gian, rest muna sa COJ
Artista na nga si Gian Bernardino dahil kasama siya sa cast ng Philippine adaptation ng horror movie na Pee Mak. Parang kailan lang nang pumirma ng film contract sa Viva Films ang isa sa vocalists ng Cup of Joe, noong isang araw, nasa storycon na siya ng nasabing pelikula.
Ibang-iba ang hitsura ni Gian sa movie, may suot siyang braces, kulot ang buhok na balik sa kulay itim, may suot na salamin. Hindi siya agad makikilala kung hindi tititigan nang husto ang larawan sa teaser poster.
Kaya may mga pabirong tanong kung ano raw ang ginawa kay Gian ng production ng pelikula. Bagay na si Director Victor Villanueva lang at ang writer ng movie ang makakasagot.
Dream come true kay Gian na artista na siya at sa interview sa kanya sa contrct signing niya sa Viva, nabanggit na una niyang ginusto na maging artista. Nauna nga lang siyang sumikat na singer at mukhang tatanggapin din ng fans bilang artista.
Kasama niya sa cast sina Bea Binene, Wilbert Ross, Jairus Aquino, Vandolph at TJ Valderrama. This year ang playdate ng movie na ang theme song ay Multo ng Cup of Joe.
- Latest




















