^

PSN Showbiz

Xia Vigor, sa castle sa UK magde-debut

Anna Pingol - Pilipino Star Ngayon
Xia Vigor, sa castle sa UK magde-debut
Xia Vigor
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagkagulatan pa kami ni Xia Vigor at ang kanyang mabait na mommy na si Mommy Christy nang magkita kami sa block scree­ning ng Spider-Man hosted by the MMPress (Multimedia Press Society of the Philippines, Inc.) kamakailan.

Hindi kasi namin siya agad nakilala bilang mas nagdalaga pa siya mula noong huli namin siyang natsika. Kasi naman pala, 17 years old na ang ultra talented at magandang half-British actress, which means, debutante na next year—on June 23, 2027– ang future best actress ng Viva.

Natanong tuloy namin si Mommy Christy kung may plano na ba sila sa nalalapit na debut ni Xia. “Baka umuwi kami ng UK, tapos hahanap kami ng mga parang castle-castle doon... para maging para siyang prinsesa talaga,” nakangiting say ni Mommy Christy.

Sabi namin, mas maraming friends si Xia rito kaya dapat ay may PH version ang debutante ball ni Xia. Oo naman daw. Kung keri, baka maghanap din sila ng castle-like venue para may continuity ang theme.

At press time, baka gumigiling na ang 2nd Miracle in Cell No.7, ang follow-up ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) blockbuster. Ang 2nd Miracle ang official entry ng Viva sa 52nd MMFF sa December.

Samantala, according kay Mommy Christy, dapat pala ay kasali si Xia sa Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical na mag-o-open na on Sept. 18, 2026 sa Newport Performing Arts Theater in Pasay City. Kaso at nasabay raw sa offer ng Dream High, ang Pinoy adaptation ng hit Korean youth series na nakuha ng Viva ang franchise. Sa tingin daw ni Xia ay mahihirapan siyang pagsabayin kaya mas pinili nalang ni bagets ang Dream High lalo’t siya mismo ang bida dito whereas one of those lang siya sa Bongga Ka, ‘Day.

But before that, looking forward si Xia na makipagtagisan ulit ng acting sa kanyang Kuya Aga sa 2nd Miracle and sure na kami na for the second time, paiiyakin ulit nila tayo sa Pasko.

XIA VIGOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with