^

Probinsiya

Therapist tiklo sa P.54 milyong shabu sa Cagayan

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Aparri, Cagayan, Philippines —Nakumpiska ng mga awtoridad ang 80 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544,000 at naaresto ang isang therapist na umano’y kilalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation n­itong Lunes sa Aparri, Cagayan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Isang,” 49, residente ng Barangay Bulala, Camalaniugan, Cagayan. Siya ay nadakip dakong alas-11:20 ng umaga sa Barangay Punta ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2, Aparri Police, Regional Maritime Unit 2 at PNP-Drug Enforcement Group.

Ayon sa mga awtoridad, dalawang heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihina­lang shabu ang nakum­piska mula sa suspek, kasama ang buy-bust money at isang cellphone.

Sinabi ni PDEA Region 2 director Gil Cesario Castro na bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya ng ahensiya laban sa mga supplier at distributor ng ilegal na droga sa Cagayan Valley.

CAGAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with