Alex, napaamo noon si Bimby

Ibinahagi ni Alex Gonzaga na sobrang close raw siya sa bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby noong bata pa ito.
Sa latest mukbang vlog ng aktres/content creator ay guests niya kasi si Ryzza Mae Dizon at ang inang si Rizza Dizon.
Habang kumakain sila ay napagkwentuhan nila si Bimby na as we all know ay ka-loveteam ni Ryzza sa Eat Bulaga.
Tinanong ni Alex ang dating child actress kung crush nito si Bimby at hindi naman ito masagot ni Ryzza.
Dito na naalala ni Alex ang naging closeness niya kay Bimby noong ginagawa nila ang pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin kasama si Vice Ganda. “Kami lagi magkasama pero tuwang-tuwa siya sa ‘kin,” kwento ni Alex.
Tsika pa niya, “nagulat si Ate Kris may isang beses, pinuntahan niya kami nung gabi at nagulat siya, sa ‘kin nakayakap si Bimby.”
Dahil dito ay tinext daw siya ni Kris at tinanong siya. “Bigla akong tinext ni Ate Kris nung gabi, ‘What did you do to my son? He’s been asking me, san ka daw galing, ano daw show mo sa TV5,’” kwento ni Alex.
Dahil nga rito ay mas naging close raw sila ni Kris. Gayunman, hindi na raw muling nagkita sina Alex at Bimby dahil nagpunta na nga ito sa US kasama si Kris para magpagamot.
Puring-puri rin ni Alex si Bimby at sinabi niyang napaka-down-to-earth nito. Aniya, hindi mo raw aakalain na anak ito ng isang sikat na personalidad tulad ni Kris Aquino.
Daniel, pinapangarap ng celeb dentist!
Ang celebrity dentist na si Dr. Sam Bernardo ang dahilan sa magagandang ngiti ng ating ilang mga sikat na celebrities tulad nina Mika Salamanca, Bianca de Vera, G22 and Daniel Matsunaga.
Si Dra. Sam ang founder and CEO of Awesam Smile Dental Clinic at kabilang ang mga nasabing personalidad sa kanyang mahigit 30 celebrity endorsers.
Sa panayam namin sa dentista sa kanyang mediacon recently, sinabi niyang napakahalaga raw talaga hindi lang para sa artista kundi para sa lahat na mag-invest sa ating oral health.
“Invest in your oral health. Kasi ang oral health, ang ngipin natin hindi lang ‘yan parang pampaganda or ngiti lang,” sey ng celebrity dentist.
Si Daniel Matsunaga ang kanyang first celebrity endorser at puring-puri niya ang aktor dahil noon pa ay maalaga na raw ito sa ngipin.
“Priority niya talaga ang kanyang dental health. And lahat talaga ng ngipin ni Daniel is natural,” sey ni Dra. Sam.
Dream artist daw niya na maging endorser ay si Daniel Padilla dahil crush daw niya ang aktor.
Natanong nga namin ang dentista kung sino pa ang ibang artistang may magagandang teeth aside from her endorsers at binanggit niya sina Heart Evangelista and Rayver Cruz. “Magaganda talaga ‘yung teeth nila saka ‘yung smile nila,” aniya.
When asked kung sino ang artistang gusto niyang ayusin ang ngipin, nag-isip muna si dok at binanggit niya ang content creator na si Sassa Gurl.
Nang mahingan naman siya ng komento tungkol sa ngipin ng tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautisa at sey ni Dok, part din daw ito ng pamilya ng Awesam Smile Dental Clinic.
Maalaga rin daw si Kakai sa ngipin nito at healthy naman daw ang set of teeth nito.
- Latest






















