^

Pang Movies

Aktres, laging tulala!

SO CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinarma...

Dumaraan daw ngayon sa ma­tinding depression ang aktres na ito dahil biglaang bumagal ang takbo ng kanyang career.

Noon ay tuluy-tuloy ang mga proyekto niya, pero ngayon ay bihira na. Sabi pa ng source namin, swerte na raw kung makasama siya sa ilang show sa probinsya.

Kaya kadalasan daw ay tulala si aktres. Nawala na rin ang dating sigla niya dahil wala nang pumapasok na maraming trabaho. “Dati taranta ‘yan at nagkabuhul-buhol ang schedules sa rami ng work. Ngayon waley, as in sobrang empty ang work calendar niya. Mabuti na lang at maraming ipon ito. Pero paano kung maubos? Puro palabas ang pera. Dami pa naman niyang binubuhay,” chika ng source.

Sarili lamang ang sinisisi ng aktres sa nangyari. Naging labis ang kanyang kumpiyansa noon dahil sa pressure, na naging dahilan din ng pagbabago sa kanyang asal.

Sa ngayon, tinutuwid na niya ang mga pagkakamali sa nakaraan.

May mga taong nasaktan niya at nais niyang ayusin ang mga ito upang magbago na rin ang karma ng kanyang buhay.

SB19, may vending machine sa Japan!

Talagang sikat na sa ibang bansa ang P-pop kings na SB19 dahil magkakaroon ng limited-time SB19 vending machine sa Japan sa susunod na linggo.

In-announce ng Sony Music Japan na maglalagay sila ng SB19-themed vending machine sa Yokohama Station ngayong Aug. 17 at 18.

Doon mabibili ang phone tab at strap sets, sticker sets at acrylic standees.

Ngayong linggo rin pupunta sa Japan ang SB19 para sa kanilang Summer Sonic performances sa Osaka at Tokyo.

Magkakaroon din sila ng thanksgiving fan meet sa Aug. 18.

Fresh pa sila galing sa kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino act na tumugtog sa Lollapalooza, kung saan nila inilabas ang bagong single na Lawless.

Babalik din sila sa US sa October para sa KPOPWORLD Festival sa Texas.

Sa parehong buwan, mapapanood na rin worldwide sa mga sinehan ang SB19’s Wakas at Simula: The Trilogy Finale concert.

BRAD PITT, NAINTINDIHAN KUNG ANO ANG SUICIDE!

Nag-open up si Brad Pitt sa  para sa September issue tungkol sa masakit na pinagdaanan niya.

Kabilang dito ay ang matagal at very public na divorce nila ni Angelina Jolie at ang pagpili ng ilang anak nila na alisin ang “Pitt” sa apelyido nila.

Ayon sa Academy Award winner, dumating siya sa point na nagka-suicidal thoughts siya dahil sa nangyari sa kanyang pamilya. “I was never suicidal in any way. It just was not my makeup. In fact, if I have any afflictions, it’s probably being a congenital optimist. Which has helped many times, and it’s also gotten me – I’ve walked foolishly head-on into a Mack truck because of my optimism.

“Anyway, I’ve never been suicidal except for one little period. And in that one little period, I just thought – I just couldn’t – just didn’t see a way nut.

“The pain was so oppressive that — I wasn’t going to act on this, but I could feel — I could feel the cold steel of the bullet in my head, and it felt like relief.

“And I thought, ‘Oh, okay, now I understand’ — I understand suicide, in the sense that it’s just relief. It’s just looking for relief from the pain.”

AKTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with