^

Pang Movies

Princess, natupad ang pangarap na debut

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Princess, natupad ang pangarap na debut
Princess Aliyah

Matagumpay na naisagawa ang matagal nang pinapangarap na debut ni Princess Aliyah noong Biyernes, Aug. 7, sa Manila Marriott Hotel. 

Ikinuwento ng dating PBB housemate ang proseso ng paghahanda para sa okasyon. 

Ayon kay Princess, pinili niyang maging aktibo sa bawat aspeto ng pag-oorganisa para mas maging meaningful at unforgettable ang kanyang debut party. “Habang nagte-taping nga po, since ayun parang every day palagi akong may ganap, hinahanapan ko po talaga siya ng time. Kasi po, syempre, gusto ko ako ‘yung mamili ng color, invitation, ako din magse-send. So, wala po talagang tulog.”

Naging isang PBB Celebrity Collab 2.0 reunion ang debut ni Princess. Ang mga lalaking housemates ang nagsilbing 18 roses niya, habang ang mga babae naman ang 18 shots. 

Tampok din sa programa ang pag-perform ni Princess. Mula sa kanyang pagpasok, nagbigay siya ng mala-concert na experience nang kanyang kantahin ang kauna-unahang single na Amba. 

Sa edad na 18, kabilang sa kanyang wishes ang mapabilang bilang bida sa isang teleserye.

Barbie Dolls ni WHitney Houston, 20 years bago natapos

Pinarangalan si Whitney Houston ng kanyang kauna-unahang Barbie doll, na ginawa in collaboration kasama ang kanyang hipag na si Pat Houston. 

Inabot ng 20 years bago nabuo ang Barbie Signature Whitney Houston Doll.

Ginawa ang doll bilang tribute sa iconic music video ni Whitney para sa I Wanna Dance with Somebody (Who Loves Me). 

Inilabas ng Mattel ang doll noong Aug. 9, na siyang kaarawan ng late singer. 63 na sana siya ngayon. Pumanaw si Whitney noong Feb. 11, 2012.

Ayon sa Mattel: “The doll celebrates the iconic singer’s record-breaking career, legacy and timeless music that inspired generations of artists and continues to resonate with fans around the world.”

Papangaralan din si Whitney ng The Recording Academy Special Merit Lifetime Achievement Award and the 2026 New Jersey Hall of Fame Capstone Event dahil sa 40 year legacy nito.

PRINCESS ALIYAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with