^

PSN Showbiz

Ate Shawie, sasama sa pag-iikot ni Frankie

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ate Shawie, sasama sa pag-iikot ni Frankie
Frankie.
STAR/ File

Excited and proud mom si Sharon Cuneta sa first movie ng eldest daughter nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan na pinamagatang Edjop, the Movie.

Isa itong biopic film ng buhay at kamatayan ng aktibistang estudyante na si Edgar “Edjop” Jopson noong panahon ng Martial Law starring Elijah Canlas.

“My Kakie’s first movie!!! Hope you can all support it. Thank you! Matagal naming inisip pano ba namin ipo-promote ang EDJOP?

“Siyempre andyan yung mga usual events. Premiere night. Press con. Preview. Lahat ‘yan gagawin namin. Pero paano namin ito ilalabas ng mas malawak sa mundo ng pelikula/ entertainment? Although masaya yun, andun yun, pakiramdam namin, kulang kung andun lang kami iikot,” umpisa ni Ate Shawie.

“So tiningnan namin ang buhay ni Edjop. He was one of the most impactful youth organizers of the time. Ang simple ng galaw niya.

““Dumirecho ka sa kelangan mo makausap at pakinggan.” Make your case direct to your audience.

“Si Edjop dumirecho—sa estudyante, sa manggagawa, sa naghaharing-uri—kay Marcos Sr. Yun ang playbook. Honest, straight to the point.

“Kaya didirecho na rin kami sa inyo, dear Kabataan. Galawang Edjop,” sabi pa niya sa post na kalakip ang poster ng pelikula.

“Iikot kami sa iba’t ibang schools para makipagkwentuhan sa inyo. Kayo ang number one inspiration ng pelikulang ito. Pupuntahan namin kayo para ikuwento ang buhay ng isang estudyanteng piniling makialam, tumayo at hindi sumuko. Higit sa lahat, hindi nawalan ng pag-asa.

“Feeling namin, pag-asa ang isa sa mga pinaka-kailangan natin ngayon. Lalo na ng mga kabataan. So gusto rin namin kayo pakinggan. Safe space ‘to. Pramis.

“Kaya tara. Kita-kita tayo. This is EDJOP Campus Conversations,” buong post ni Ate Shawie na andun na rin ang mga eskwelahang pupuntahan nila.

Kasama rin sa pelikula si Jodi Sta. Maria.

Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa bansa sa Setyembre 16 under Warner Bros. Pictures Philippines, ayon sa isang press release.

SHARON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with