^

Dr. Love

In denial sa posibleng case ng anak

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May pitong taong gulang akong anak na nasa Grade 1 na ngayon. Tahimik siya, halos hindi nagsasalita, at sobrang mahiyain. Sabi ng mister ko, normal lang daw iyon at nagmana sa kanya.

Pero pati ang guro ng anak ko ay nagtatanong na rin tungkol sa tunay na kalagayan niya. Wala akong masabi kundi ang mga obserbasyon ko.

Dr. Love, gusto ko sanang ipatingin sa doktor ang anak namin, pero nagagalit ang mister ko.

Ang sabi niya, pinangungunahan ko raw ang development ng bata at iyon daw ay personalidad lang.

Sa tuwing binabanggit ko ito, tila nasa denial siya. Para sa akin, hindi normal ang sobrang pagiging tahimik ng anak namin at ang hindi niya maipahayag ang sarili.

Paano ko ba makukumbinsi ang mister ko na ipa-check up ang anak namin sa espe-syalista?

Nanay Loleng

Dear Nanay Loleng,

Tama ang mister mo na hindi natin basta-basta malalagyan ng label ang personalidad ng bata. Pero gaya ng nabanggit mo, may kakaiba kang napapansin sa anak ninyo.

Ang doktor lamang ang makapagsasabi kung ito ay simpleng pagiging mahiyain o may pangangailangan para sa mas maagang interbensyon.

Kung tutol ang mister mo, maaaring ikaw muna ang magdala sa anak ninyo sa espesyalista. Mas mabuti nang maaga siyang masuri para matugunan ang anumang pa-ngangailangan.

Patuloy mo ring suportahan ang anak ninyo at unawain ang iyong asawa kahit mahirap. Makakatulong kung ipapakausap mo si mister  sa taong kanyang iginagalang o pinagkakatiwalaan para mas maliwanagan siya sa kalagayan ng inyong anak.

Dr. Love

LOLENG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with