^

Police Metro

Kolehiyala tinodas ng dating nobyo

Joy Cantos - Pang-masa
Kolehiyala tinodas ng dating nobyo
Ang namatay na biktima ay kinilala sa alyas na “Risa” na nagtamo ng mga saksak sa katawan.
STAR / File

Tumangging makipagbalikan

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 21-anyos na kolehiyala nang ito ay pagsasaksa­kin sa leeg ng dating nobyo matapos ­tumangging makipagbalikan naganap sa Brgy. Poblacion, Sibonga, Cebu nitong Sabado.

Ang namatay na biktima ay kinilala sa alyas na “Risa” na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Habang dinala sa ospital ang suspek na si alyas “John” dahil sa tinamong saksak sa leeg at dibdib nang magsaksak sa sarili matapos ang pagpaslang sa dating nobya.

Lumalabas sa imbestigasyn ng Sibonga Police, na ang biktima ay nakipag-break sa suspect nitong nakalipas na buwan ng Hulyo matapos ang apat na taon na nilang relasyon dahilan umano sa pagiging seloso ng lalaki.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima sa pulisya, alas-10:20 ng umaga nang dumating ang suspect sa tinutuluyan nilang boarding house na magkapatid upang kausapin nito ang biktima at kumbinsihin na sila ay makipagbalikan.

Lumabas ng kuwarto ang kapatid ng biktima pero ikinandado ng suspek ang pinto at pinipilit ang dalaga na makipagbalikan.

Pero tumanggi ang biktima bunsod upang magalit ang suspect at kinuha ang kutsilyo inatado ng saksak sa leeg ang biktima na namatay noon din.

Matapos mapatay ang biktima ay tinangka ng suspect na mag-suicide nang saksakin nito ang sarili kung saan inabutan ito ng mga otoridad na duguan ding nakabulagta sa tabi ng bangkay.

Isinugod sa pagamutan ang nasabing suspect kung saan nilalapatan na ito ng pangunahing lunas.

Nakatakdang kasuhan ng pagpatay ang suspek.

CEBU

SIBONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with