^

Pang Movies

Andrew E., takot sa AI

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Andrew E., takot sa AI
Andrew E

Walang-wala sa plano ng iconic rapper na si Andrew E. ang makipag-collab sa mga young artist. Actually allergic nga raw siya sa idea ng collaboration.

“Medyo allergic ako…, honestly, allergic ako sa salitang collaboration. Kasi unang-una, tatlong dekada ko nang napagtuunan na hindi naman ako nakikipag-collaborate,” umpisa ng sagot niya sa amin nung media launching ng kanyang latest song na may pamagat na Pasta.

“Kasi unang-una, my song and my kind of style, hindi siya collaborative. Hindi katulad ng may kakanta, may magko-compose, collaborative na. Kasi ang pwedeng kumanta rin, manganganta rin, o rapper din.

“Pero iyong style ko kasi, hindi collaborative style. Kaya ang hirap. Mag-aalok ka ng naughty, tapos hindi naman naughty iyong ka[collab] mo. That’s why medyo nahihirapan ako.

“And I made it to a point na siguro para wala na lang magdamdam, everything is fair. Hindi na lang ako nagco-collaborate. But, in this album, sa Wholesome Again, I will have the very first collaboration with my son only,” dagdag niyang paliwanag.

Isa ang bago niyang kanta sa bago niyang album na Wholesome Again.

“My son, MC Fordy. And we have a song entitled Interstellar. Ibig sabihin, pag-ibig na nagbabaybay sa kalangitan. Naghahanap ng la-landing-an,”  banggit niya tungkol sa 23 years old niyang anak na isa na ring rapper.

Bakit nga pala Pasta ang pamagat ng kanyang bagong kanta.

Aniya, ang point of origin ng Pasta ay isang bagay na gustong gusto natin pero hindi naiiwan sa isipan mo iyong bagay na yan.

“Naalala mo lang iyan ‘pag kumakain ka sa restaurant. Pero gusto-gusto natin iyan. So maybe just like an Andrew E song. Gusto-gusto mo iyong Andrew E song pero paminsan-minsan hindi mo na naaalala iyong mga magagandang kanta ni Andrew E kasi sa dami ng mga kanta ngayong lumalabas. And iyong panahon ngayon puro mga bago iyong mga artist. So parang masyadong masikip ang landas ngayon ng music industry. So for me, I created something like a song na kapag narinig mo iyong kanta na ito. Hinding-hindi mo na makakalimutan iyong pasta kasi ipapaalala sa’yo na natuwa ka or kiliti muli, just like iyong nakita ko at nakuha ko ang kiliti ninyo noong Humanap Ka Ng Panget, Andrew Ford Medina, Binibirocha, Banyo Queen, and the rest,” sabi na in all fairness ay malakas naman ang impact nang marinig namin.

At nang tanungin siya kung ginamitan ba niya ng AI ang kantang ito.

Maraming singer sa kasalukuyan ang gumagamit na ng AI (artificial interlligence). “Of course hindi, kasi number one nowadays ‘no, bibigyan ko kayo ng konting clue, kasi nowadays kapag gumamit ka ng AI bawal nang i-upload sa mga music platforms. I’m not saying bawal ang kanta mo pero hindi tatanggapin kung ikaw iyong gumawa, kung ikaw iyong nagsubmit. ‘Di ba usually kung ikaw iyong record producer ng album o nung kanta, ‘pag sinubmit iyan ng company mo, automatic tinatanggap lang iyan ng music platform or maybe kung sino mga ordinaryong manganganta o gumagawa ng kanta, tinatanggap lang iyon. Nowadays, no. Meron na silang verification material or machine na kapag na-sense nila iyong AI elements, dahil ang AI elements ay code, code na hindi galing sa physical form or physical media, kaya nasi-sense iyan. At pag nalaman nila, automatic hindi ka na nila tatanungin, you cannot upload your song,” mahaba-haba niyang sagot.

ANDREW E

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with