Tulak tiklo sa ilegal na droga at baril
CAMO NAKAR, Lucena City, Philippines — Matagumpay na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Pagbilao Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek sa iligal na droga at pagkakasamsam ng pinaghihinalaang shabu at isang iligal na baril sa Sitio Bayles, Brgy. Alupaye, Pagbilao, Quezon., kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Bruno,” 28 taong gulang at residente ng Brgy. Concepcion, Mauban, Quezon.
Nakumpiska mula sa suspek ang 2 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 2.45 grams at nagkakahalaga ng P16, 600.00, buy-bust money, isang kalibre .38 Smith & Wesson revolver na walang serial number, at tatlong (3) bala ng kalibre .38.
- Latest


















