^

Police Metro

53-anyos inaresto sa pag-rape sa 10-anyos

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang 53-anyos na lalaki na gumahasa sa isang 10-anyos na batang babae na  naiwang mag-isa sa kanilang bahay sa Parañaque City, Linggo ng hapon.

Sa ulat ni Parañaque City Police Station, ang suspek na si alyas “Maning” residente ng lugar ay dinakip ng mga pulis sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay Marcelo Green sa reklamong inihain ng ina ng biktima.

 Sa imbestigasyon, mag-isa lang ang bata sa kanilang bahay at nang umuwi ang ina ay nasilip niya sa pagitan ng pinto ang ginawang panghahalay sa anak kaya agad niyang kinompronta ang suspek.

Umalis ang suspek at agad namang nagsumbong ang ina ng biktima sa mga barangay tanod, at mabilis na rumesponde rin ang Marcelo Green Police Sub-station, kaya agad na naaresto ang suspek.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 11648 (Statutory Rape).

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with