Lovi, pipirma sa Star Magic!

Pipirma na rin sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, si Lovi Poe.
Magaganap ang pirmahan ng kontrata, bukas, Martes.
Matagal-tagal ding nag-concentrate sa pagiging mommy si Lovi.
At mga project sa Hollywood ang tinutukan niya.
Anyway, katulad ng ibang showbiz mommy, hindi pa ipinapakita ni Lovi ang face ng anak nila ng mister na si Monty Blencowe. Lagi itong nakatalikod ‘pag nagpo-post siya at bibihira.
Matagal minanage ng namayapang si Leo Dominguez si Lovi. Pero nang pumanaw ang talent manager ay nag-decide ang actress na mag-solo na at ngayon nga ay pipirma na sa Star Magic.
- Latest




















