Joseph Marco, trentahin ang market

Dinagsa ng fans ang back-to-back mall shows ng Dating Alys Perez at My Husband Is a Mafia Boss sa Robinsons Place Manila at Robinsons Lipa kamakailan. Lakas ng sigawan nang umakyat sa stage sina Rabin Angeles, Angela Muji, Joseph Marco, Rhen Escaño, at ang iba pang cast members.
Kilig na kilig ang titas at trentahins kay Joseph Marco, habang todo-suporta rin ang fans sa tambalan nila ni Rhen Escaño.
Samantala, patuloy namang umaangat ang RabGel bilang isa sa mga rising Gen Z love teams, with their chemistry fueling fan edits, reaction videos, memes, at sunud-sunod na brand collaborations.
Ang Dating Alys Perez streams every Friday, habang My Husband Is a Mafia Boss airs every Saturday, only on Viva One.
Abangan sila Viva All Star Games 2026 on Aug. 16 at the Smart Araneta Coliseum.
- Latest





















