Elisse, sumagot sa kabit ng pulitiko

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang akusasyon ng bashers ni Elisse Joson na kabit siya ng isang rich politician.
Sa latest Instagram post ng aktres ay may malisyosong komento na naman ang isang netizen tungkol dito.
Makikita sa video na ipinost ni Elisse ang pag-aaral niya ng pangangabayo.
“Oh what a memorable riding day with Luna girl learned how to canter, had my first fall, and somehow left loving this sport even more,” caption ni Elisse.
Komento ng isang basher, “Si anteee na makapag flex eh nangangabit lang naman yan ngayon sa politician kaya nakakabili ng luho.”
Good thing, hindi naman napikon si Elisse sa kanya at idinaan na lang sa tawa ang hindi magandang komento kasabay ng pagtanggi sa akusasyon.
“Haha not true,” ang maikling sagot ng aktres.
Ang netizens ang na-offend at ipinagtanggol nila si Elisse.
“Mayaman po yan sila, ang laki kaya ng mga lupain ng angkan nila dito sa Bataan,” sey ng isa niyang follower.
“Maglabas ka ng ebidensya baka sakali hilig gumawa ng kwento,” mensahe naman ng isa pa sa basher.
Last year pa ay ini-issue na kay Elisse na mayroon siyang rich benefactor at nilinaw na rin ito ng aktres noong January,
“Time to clear the air — not a kabit. Never was,” ang pahayag ni Elisse sa isang social media post niya.
Irma, pumayag sumuporta sa mga baguhan
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa iisang pelikula sina Zeus Collins, Dawn Chang, Aljon Mendoza, Eliza Borromeo at Dylan Yturalde, na pawang nag-iwan ng marka sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sila ang mga bida sa pelikulang #Uploading, isang makabuluhang proyekto na tumatalakay sa mga pangarap, pagsubok at realidad ng buhay sa makabagong panahon.
Kasama rin sa lead stars ang bagong kinilalang New Male Recording Artist of the Year sa Star Awards for Music na si Dwayne Garcia ng Star Music.
Mas lalo pang pinatatag ang cast ng pelikula sa paglahok ng mga batikang aktor at personalidad tulad nina Irma Adlawan, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, at ng social media sensation na si Bernie Batin, na mas kilala bilang ang “pinakamasungit na tindera sa balat ng social media.”
Higit pa sa isang ordinaryong drama, ang #Uploading ay isang kuwentong sumasalamin sa pag-asa, determinasyon at katatagan ng bawat taong nagsisikap makamit ang kanilang mga pangarap sa kabila ng iba’t ibang hamon ng buhay.
Ito rin ang kauna-unahang pelikulang handog ng Red Concept Events Management Services na pinamumunuan ng premyadong direktor na si Joven Tan, na kamakailan lamang ay pinarangalan bilang Joe Quirino Awardee sa ika-9 na The Eddys (Entertainment Editors’ Choice) bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa Philippine cinema.
- Latest






















