^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit (Part 13)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GANUN ang suot ng babaing nagbigay sa akin ng pera, Victor mahabang damit na kulay white at blue sa may leeg,” sabi ko.

“Ganun ang suot ng Birhen ng Fatima, Ate. Yung naghimala sa Fatima, Portugal sa tatlong batang pastol. Di ba mayroon tayong picture ng Birhen sa kuwarto.”

Bigla kong naalala ang picture. Ganun nga ang nakita ko.

Kinuha ko sa kuwarto ang picture ng Birhen. Hindi ako makapaniwala sapagkat ganun na ganun ang suot ng babae na nagbigay sa akin ng pera.

Dinala ko ang picture kay Victor.

“Ganitung-ganito nga Victor!”

“Sigurado ka Ate?”

“Oo.”

“Pinaghimalaan ka ng Birhen, Ate?”

Napatango ako.

“Habang naglalakad ako kanina, nagdarasal ako na sana’y may tumulong sa akin para may mautangan ng pera na pam?ili ng gamot. Hanggang sa biglang nakita ko ang babae at nagtanong sa akin.”

Hindi makapagsalita si Victor. Nakatitig lamang sa akin.

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with