Bus at jeepney nagsalpukan: 8 sugatan

MANILA, Philippines — Walo katao ang sugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang bus at pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway ng Brgy. Old Cabalan, Olongapo City nitong Biyernes.
Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nangyari ang banggaan sa pagitan ng dalawang pampasaherong behikulo sa nasabing lugar kamakalawa ng hapon.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Traffic Investigation Unit ng Olongapo City Police, nabulaga umano ang driver ng pampasaherong bus sa biglang pagsulpot ng jeepney na nabigo na nitong maiwasan.
Tuluy-tuloy na nagsalpukan ang dalawang pampasaherong sasakyan.
Nagresponde sa lugar ang mga elemento ng Olongapo City Police at CDRRMO na mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Nabatid na karamihan sa mga nasugatang katao ay mga lulan ng pampasaherong jeepney.
- Latest






















