Higit 1,500 benepisyaryo nakinabang sa Isabela
Sa ika-45 NHA People’s caravan
MANILA, Philippines — Nakinabang ang nasa higit 1,500 benepisyaryo sa ika-45 Peoples Caravan ng National Housing Authority (NHA) na ginawa sa F.L. Dy Coliseum, Cauayan City, Isabela sa ilalim ng “Serbisyong Dala ay Pag-asa” ng ahensiya.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang caravan ay layong mailapit sa mga benepisyaryo ang iba’t ibang programa at serbisyo ng mga partner-agencies ng ahensya sa iba’t ibang komunidad sa bansa.
Ang mga kalahok ay nakibahagi sa mga handog na produkto at serbisyo mula sa halos 25 na sangay ng pamahalaan at pribadong institusyon tulad ng Department of Health (DOH) Cagayan Valley Center for Health Development, City Health Office ng Cauayan City, at Optique Master na nagbigay ng libreng serbisyong medikal at dental at libreng gamot batay sa reseta ng doktor, chest X-ray, at abot-kayang salamin sa mata.
Ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Office of the Civil Defense (OCD) ay naghandog din ng mga medical missions, libreng gupit, at pagbibigay ng kaligtasan at seguridad para sa buong kaganapan.
Nagkaroon din ng mga job fair ang Department of Labor and Employment-Cauayan Public Employment Service Office (DOLE-PESO) para sa mga lokal na trabaho, profiling para sa 10 livelihood beneficiaries, at Department of Migrant Workers (DMW) para sa overseas employment na may legal at welfare assistance.
- Latest


















