^

Pang Movies

TV5, mas dumami na ang platform!

Pang-masa
TV5, mas dumami na ang platform!
Enrique Gil at Andrea Brillantes.
STAR/ File

Kumpirmado na marami nang Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong kiligin, ma-inspire at ma-hook sa dalawang pinag-uusapang serye ng TV5 na A Secret in Prague at My Bespren Emman na mapapanood na rin sa mga Kapamilya platform simula Hulyo 27.

Matapos makuha ang puso ng Kapatid viewers, handa na ngayong makilala ng mas marami pang Kapamilya viewers ang mga kuwentong nagbibigay ng kilig, inspirasyon at matinding emosyon gabi-gabi.

Pinangungunahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes, patuloy na bumibida sa usapan ng mga manonood ang A Secret in Prague dahil sa kakaiba nitong timpla ng misteryo, romansa at mga nakakagulat na rebelasyon. Simula nang ilunsad ito, regular itong kabilang sa Top 10 titles ng Netflix Philippines, patunay sa patuloy na suporta at pagtutok ng mga manonood.

Ngayon, mas marami pang Kapamilya viewers ang magkakaroon ng pagkakataong sumabak sa misteryo at intriga ng seryeng bumihag sa puso ng maraming Pilipino.

Samantala, handa ring umantig sa damdamin ng mas maraming manonood ang My Bespren Emman, na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Shaina Magdayao.

Sa kuwento nitong puno ng pagmamahal, pamilya, at mga pagsubok sa buhay, siguradong marami ang makaka-relate at susubaybay sa bawat kabanata nito.

Sa pagdating ng A Secret in Prague at My Bespren Emman sa mga Kapamilya platform, mas marami pang manonood ang magkakaroon ng pagkakataong makisabay sa mga kuwentong pinag-uusapan, sinusubaybayan at minamahal ng mga Pilipino.

Abangan ang A Secret in Prague at My Bespren Emman simula Hulyo 27 sa TV5, ALLTV2, A2Z at Kapamilya platforms na Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWant.

‘Nurse The Dead,’ nakatulong sa mga nurse sa Amerika!

Mainit din ang pagtanggap abroad ng supernatural-comedy series ng iWant na Nurse the Dead matapos nitong umani ng papuri mula sa Filipino community para sa representasyon nito sa mga Pinoy nurse na nagsasakripisyo abroad.

Para sa dating alkalde at ngayo’y council member ng Daly City, California na si Juslyn Manalo, naging tulay ang Nurse the Dead para mas mabigyang-pansin ang pagsisikap ng mga Pinoy nurse abroad habang itinatampok din ang kulturang Pilipino at mga pamanang aral nito sa global stage.

Aniya, “It is long overdue to have more representation on the screen. With Filipino nurses at the forefront of healthcare, ‘Nurse the Dead’ centers the narrative around our unsung heroes and heroines. With Daly City having one of the highest concentrations of Filipinos, it gives us pride to premiere this in Northern California.”

Samantala, patuloy rin itong umaani ng mataas na viewership at napapabilang sa most-watched originals ng iWant hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa US, Canada at Australia magmula nang una itong ipalabas noong Hunyo 12 sa Kapamilya streaming platform.

Ang Nurse the Dead ay ang kauna-unahang Pinoy show na kinunan pa sa Hollywood na idinirehe ng award-winning filmmaker at screenwriter na si Mark Labella. Pinagbibidahan naman ito ng Fil-Am aktres at host na si Jelynn Sophia Malone, kasama sina Anthony Jennings, Princess Punzalan, Ruby Rodriguez, Gigette Reyes at Tootsie Guevara.

Mapapanood ang bagong episodes ng Nurse the Dead tuwing Biyernes sa iWant sa pamamagitan ng subscription plan nito na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.

BLYTHE

QUEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with