Konsehal ng Pangasinan utas sa car crash

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang konsehal ng Bayambang, Pangasinan na si Jan Nazer David Junio, 25 matapos sumalpok ang kanyang minamanehong sasakyan sa San Carlos City, nitong Huwebes ng gabi.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, alas-11:00 ng gabi ay mabilis umanong minamaneho ni Junio ang kanyang Toyota Avanza at binabagtas ang kahabaan ng provincial road sa Barangay Turac nang bumangga ito sa kongkretong harang ng isang tulay.
Sa matinding pinsalang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay isinugod siya ng mga rescuer ng San Carlos City Disaster Risk Reduction and Management Office sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City at nasawi habang nilalapatan ng lunas.
- Latest


















