^

Police Metro

P85 wage increase sa NCR, ipatutupad sa 2 bahagi

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang konsiderasyon sa maliliit na business owners sa National Capital Region (NCR) ay nagpasya ang pamahalaan na ipatupad ng dalawang tranches ang inaprubahan nitong P85 daily wage increase para sa mga minimum wage earners.

“You cannot please everybody. Ang atin namang ikinokonsidera din diyan ay ‘yung ating maliliit na negosyante na hindi naman sila mabigla rin. So, nagkaroon ng 2 tranches dito,” ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis ­Tolentino, sa panayam sa radyo.

Una nang inianunsiyo ni Tolentino na aprubado na ang P85 na daily wage increase para sa mga manggagawa sa NCR ngunit ipaiiral ito ng dalawang tranche.

Ang unang tranche na nasa P60 ay iiral sa Hulyo 19, 2026 habang ang ikalawang tranche naman na nasa P25 ay ­magiging ­epektibo sa Enero 20, 2027.

Mariin din namang pinabulaanan ng kalihim na itinaon nila ang anunsiyo ng umento sa sahod sa surprise rally ng Iglesia ni Cristo sa EDSA upang ipagtanggol si Sen. Rodante Marcoleta nitong Martes.

Ani Tolentino, imposible itong mangyari dahil mahaba ang na­ging proseso ng deliberasyon sa wage increase at nilagdaan ito noon pang Hunyo 23.

WAGE INCREASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with