^

Pang Movies

Baklang mayaman, tatlong aktor ang natuhog

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tatlong aktor na pala ang naging lalaki ng isang acclang mayamang negosyante na paminsan-minsan eh sumososyo sa showbiz.

One at a time lang naman nitong dyinowa ang tatlo. Pero ngayon eh naghahanap na siya ng bago dahil tapos na siya sa mga aktor.

‘Yung dalawang halos nagkasabay ang pasok sa showbiz. Take note, pawang bida ang dalawang ito sa project na ginawa.

Medyo bata-bata sa dalawa ang pangatlong aktor. ‘Yun nga lang, babae ang gusto ng third actor kaya natapos ang relasyon nila.

Sa tatlong aktor na ito, may something in common sa pangalan nila dahil ang simula ng pangalan nila eh pareho, huh!

Ang isa pang common nila eh parehong pumapatol sa bading basta may pera!

EB, maagang natanggap ang anniversary gift

Maagang nakatanggap ng 47th anniversary gift ang TVJ Productions dahil pinaboran ng korte sa Mandaluyong ang kasong isinampa nito laban sa dating Eat Bulaga host na si Anjo Yllana.

Naglabas ng statement ang TVJ Productions na producer ngayon ng Eat Bulaga.

May kinalaman ang kaso laban kay Anjo Yllana sa inilabas na video ng dating host ng programa na hindi katanggap-tanggap ang pahayag niya.

May kaakibat na civil damages ang hatol na mahigit tatlong milyon ang halaga, huh!

Ngayong July ang 47th anniversary ng Eat Bulaga!

Anak ni Diego, palaban na sa hubaran

Anak ng showbiz couple na sina Raven Villanueva at Diego Castro ang bagong VMX Babe na si Angel Castro. Bale apo siya ng mga sikat na broadcaster noon na sina Angelo Castro at June Keithley,

Kasama sa isang VMX Special na Bagong Tukso 2 si Angel with Shalanie de Vera, Shannon Sizon, Akira Takamura at Kim Yashii.

May kanya-kanyang segment ang bagong VMX Babes at sasagutin ang mga nakakakiliting tanong.

Hiwalay na ang parents niya at ang nanay niya eh nasa States kasama ang siblings niya at hiwalay na siya sa ama.

Sa mediacon, aminado si Angel na palaban na siya.

Sa July 14 streaming ang Bagong Tukso 2 at sa July 17 naman ang VMX movie na Lunok na bida sina Allison Ross, Astrid Lee, Anthony Dabao at Mhack Morales.

ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with