Alden, hinila paakyat ng hobbies

Sa vlog interview ng broadcast journalist na si Karen Davila kay Alden Richards, pinag-usapan nila ang pinagdaanan ng aktor na mental health challenges at kung paano niya na-survive ito sa pamamagitan ng sport na cycling.
“Ever since I started my journey with cycling, way back April 24, 2025, I think this is one of the hobbies that really hinila niya ako paakyat because of all the mental health challenges that I have been experiencing,” sey ni Alden na dumaan daw sa “darkest periods of his life.”
Inamin ng aktor na noon ay inuuna niya ang iba kesa sa kanyang sarili. Kaya apektado nito ang kanyang mental well-being.
“All of a sudden, when I reached my 30s, right now, I’m 34. Parang doon lang siya slowly nagma-manifest na all those bottled-up moments and emotions started to overpour already. I never really got the chance to deal with it because for the longest time, hindi ko siya pinapansin e. Then, one day, it got me. Lack of purpose. Lack of motivation. Parang, I didn’t want to do this anymore. No work. Wala nang point. Parang everything doesn’t make sense anymore.”
Ang cycling daw ang nagbigay sa kanya ng “euphoric feeling” kaya nagawa niyang sumali sa first triathlon niya at plano niyang sumali sa Ironman Race in 2027.
Mapapanood si Alden sa romantic comedy series na Love, Siargao with Nadine Lustre at sa upcoming GMA medical drama series na Code Gray.
Pinay, napansin sa Multicultural World
Muli na namang nagpamalas ng galing ang Pilipinas sa ginanap na kauna-unahang Miss Multicultural World sa Hanoi, Vietnam.
Nagwagi bilang 4th runner-up si Kylah Giganto, isang registered nurse. Ang nanalo bilang Miss Multicultural World 2025 ay si Soe Myintzu Lwin ng Myanmar. Ang iba pang runners-up ay mula sa Honduras, Vietnam at USA.
Nag-uwi rin si Giganto ng dalawang special awards: Best Face at Best Media na ikinatuwa ng mga Pinoy pageant fan.
Sa kanyang Instagram post, ipinahayag niya ang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanyang paglalakbay sa pageant. “As a little girl, I dreamed of one day wearing the colors of my country on an international stage. Today, that dream has become my reality. I stand here as living proof that no dream is ever too big when you have faith. Representing the Philippines has been one of the greatest honors of my life. No matter where this journey takes me next, I will forever carry this experience with pride,” caption ni Giganto.
Avatar, pinakita ang eksena ni Dolly de Leon
Nag-share ng mga eksena via social media ang international Filipino actress na si Dolly de Leon ng mga behind-the-scenes mula sa set ng live-action version ng Netflix’s Avatar: The Last Airbender Season 2.
Gumaganap si Dolly bilang twins ng Fire Nation na sina Lo at Li. Mula sa pag-aayos ng buhok at makeup, hanggang sa pag-arte sa harap ng kamera, ipinakita ni Dolly ang kanyang professionalism.
Nag-post din si Dolly ng ilang photos nang pamamasyal niya sa Canada kung saan sila nagsu-shoot ng series.
Ang paglabas ni Dolly sa serye ang pinakabago niyang proyekto sa international scene, kasunod ng pagganap niya sa iba pang pelikula at American series.
Kasama rin si Dolly bilang isa sa voice actresses sa upcoming animated film na Forgotten Island.
- Latest



















