Maymay, bibit ang jowa sa bagong single

Inanunsyo ng singer-actress na si Maymay Entrata ang bagong single na What We Love na mapapakinggan simula Hulyo 9 (Huwebes).
Ibinahagi ni Maymay ang balita matapos niyang ilabas ang teaser ng awitin sa kanyang social media, kung saan tampok ang partner na si Joaquin Enriquez bilang selebrasyon ng kanilang monthsary. “Monthsary po namin today, and I wanted to share a little piece of my heart with you. My new song, What We Love,’ is coming soon. It felt right to announce it on a day that reminds me of what inspired it most. Can’t wait for you to hear it,” sabi niya.
Ang What We Love ang pinakabagong offering ni Maymay kasunod ng Masunog Man, kung saan ipinakita niya ang mas matapang na pop-rock sound at ang growth bilang recording artist.
Nakilala si Maymay sa kanyang empowering at feel-good songs tulad ng Amakabogera, Puede Ba, Tsada Mahigugma, at Paradise.
Abangan ang What We Love ni Maymay na mapapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms simula Hulyo 9 (Huwebes).
- Latest























