Signals World Tour ng BINI, umarangkada na

Opisyal nang nagsimula ang BINI sa kanilang Signals World Tour sa naganap na sold-out concerts sa Manila at susundan ng isa pang sold-out show sa Cebu sa susunod na buwan.
Para sa kanilang ikalawang world tour, tutungo ang nation’s girl group sa Queen City of the South para sa kauna-unahang concert na magaganap sa SM Seaside Cebu Arena sa July 11 (Sabado).
Lalabas na ng bansa ang BINI sa Agosto para ibandera ang musikang Pinoy sa 11-stop North American leg ng concert na magsisimula sa Honolulu, Hawaii sa Aug. 1.
Patuloy na magpapasaya ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa Los Angeles sa Aug. 5, Rohnert Park sa California sa Aug. 7, Las Vegas sa Aug. 8, at San Diego sa Aug. 9. Dadalhin din nila ang Signals sa Canada sa pamamagitan ng show sa Vancouver sa Aug. 18, Calgary sa Aug. 21, Edmonton sa Aug. 22, Winnipeg sa Aug. 24, at Toronto sa Aug. 27. Babalik din sila sa US sa Aug. 28 para sa show sa Brooklyn, New York.
Nanguna sa trending Philippine topics sa X ang Manila leg ng Signals, na nagkaroon ng two-night run sa MOA Arena noong Jun. 20 at 21. Inawit ng BINI ang kanilang bagong songs tulad ng Step Back at Sugar Rush. Pinasaya rin nila ang mga manonood gamit ang BLOOM favorites tulad ng I Feel Good, Lagi, Na Na Na at Unang Kilig.
Naghandog din sila ng performance ng Duyan ni Sarah Geronimo at Kakaibabe ni Donnalyn Bartolome at dinala ang bonggang Coachella numbers sa show. Sinorpresa rin nila ang mga manonood ng awiting A Parallel World, na magiging bahagi ng official soundtrack ng upcoming animated film na Forgotten Island.
Bukod sa aabangang shows, nakatakda na ring ilabas ng BINI ang kanilang Step Back performance visualizer sa Sabado (June 27), 8 p.m. sa BINI Official YouTube channel.
Pwede ring ma-enjoy ang iba’t ibang BINI merch na available sa BINI pop-up store sa 3rd level, north wing ng SM Mall of Asia hanggang Aug. 15. Maaari ring sumali sa Bloom Membership sa Weverse para magkaroon ng access sa iba’t ibang perks, exclusive content, at members livestreams.
Sienna Stevens, schoolgirl era na sa the Master Cutter!
Matapos ang emosyonal na tagpo nina Ibyang (Sienna Stevens) at Atoy (Dingdong Dantes), napagdesisyunan nina Ame (Jo Berry) na magtulungan para makapag-aral si Ibyang. Schoolgirl era na nga ba si Ibyang o patuloy niyang susuwayin si Atoy?
Samantala, isang malaking hamon naman ang haharapin ni Dmitri (Tonton Gutierrez) dahil sa kanyang pag-amin kay Audrey (Max Collins) sa pagbubuntis nito habang siya ay nasa coma. At para makabawi, ipapahanap niya ang anak ni Audrey. Talaga namang hooked na hooked ang viewers sa mga plot twist sa story ng The Master Cutter.
Gabi-gabi itong napapanood sa GMA Prime at sa streaming platform na Netflix. Sa recent post ng bidang si Dingdong ay nagpasalamat siya sa walang sawang suporta ng viewers sa The Master Cutter. Sey ng aktor “Gusto ko lamang mag pasalamat at i-share — nang dahil po sa patuloy ninyong pagtangkilik, nananatiling matatag ang The Master Cutter bilang nag-iisang Filipino TV show sa Netflix Top Ten. Mahal po namin kayo!”
- Latest

























