David, pinatunayan ang lakas!

Sa isang industriya kung saan naging karaniwan na ang mahabang araw ng shooting, walang katapusang mga commitment, at sanga-sangang schedule, ang paglalaan ng oras para sa wellness – kalusugan – ay naging mas mahalaga kaysa dati.
In a nushell, ganito ang mensaheng ibinahagi nina David Licauco, Fabio Ide, Ellen Frojd, Teejay Marquez at Janeena Chan sa ginanap na Summer Unwind event ng BlueWater Day Spa sa bagong bukas na BlueWater Day Spa Eton Greenhills.
Isa rin sa mga highlight ng event ay ang official na pag-welcome kay Janeena Chan bilang newest member ng BlueWater Day Spa family.
Samantala, ang actor at negosyanteng si David ay nagmuni-muni sa kanyang matagal nang relasyon sa BlueWater Day Spa, isang partnership na lumago aniya kasabay ng kanyang showbiz sa paglipas ng mga taon.
Kilala sa pagiging grounded sa kabila ng kanyang patuloy na tagumpay, ibinahagi ni David na ang pangangalaga sa kapakanan ng isang tao ay kasinghalaga ng pagkamit ng mga propesyonal na milestone.
Kaya naman, patuloy na pinatutunayan ng aktor ang kanyang puwang sa industriya.
Kamakailan din ay ipinakita niya ang pagiging competitive athlete matapos ang isang kahanga-hangang debut performance sa HYROX Taipei. Pinagsasama ng HYROX ang mga functional workout at endurance running: walong 1km run na ipinares sa walong workout station, kabilang ang sled pushes at pulls, burpee broad jumps, rowing, wall balls, farmer’s carries at sandbag lunges.
Kasabay ang halos 2,000 na kalaban mula sa iba’t ibang bansa, nagtala si David ng 1:07:48 sa kanyang kauna-unahang laban sa HYROX at ang nasabing resulta ay naglagay sa kanya ng ika-55 sa overall at ika19 sa 30–34 age category.
Bukod dito tuloy na rin ang pag-uumpisa ng kanyang resort sa Siargao.
Going back to BlueWater, nagsalita rin sina Fabio Ide at Ellen Frojd tungkol sa papel na ginagampanan ng wellness sa kanilang buhay-pamilya. Sinabi ng celebrity couple kung paanong ang mga wellness experience ay naging isang solid na amily bonding, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata ng life balance, self-care at healthy lifestyle sa murang edad.
Para naman kay Teejay Marquez, na madalas ang trabaho sa ibang bansa, ang pagpapanatili ng pisikal at mental health ay mahalaga sa pagsunod sa isang mabilis na pamumuhay.
Ibinahagi rin ng aktor at content creator kung paano nagbibigay-daan sa kanya ang paglalaan ng oras para mag-recharge at magkaroon ng positive energy online at offline.
Sa kabila ng mga usapan tungkol sa kalusugan/pag-aalaga, napuno ng tawanan nasabing event habang ang mga endorser lalo na nung nakisali sa mga interactive game.
Itinampok din sa nasabing launch ang ilan sa mga in demand na services ng BlueWater Day Spa, kabilang ang signature Chiang Mai Massage, ang restorative Thai Yoga Massage, at ang advanced na 5D Laser Treatment.
Ayon kay BlueWater Day Spa President at CEO Mary Simisim, ang nasabing event ay idinisenyo upang paalalahanan ang lahat na ang wellness ay hindi dapat tingnan bilang isang paminsan-minsang indulgence ngunit bilang isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay.
Sa pagpapatuloy ng summer na hindi basta-basta ang nararanasang init ng lahat, umaasa sila na ma-inspire ang mas maraming Pilipino na unahin ang kanilang sarili, kung kailangang mag-slow down ay gawin nila kapag kinakailangan, at maglaan ng oras para mag-recharge.
Dagdag niya, minsan ang pinakamagandang bagay na magagawa mo para sa iyong sarili ay ang mag-pause lang, mag-recharge at mag-unwind.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nanatiling isa ang BlueWater Day Spa sa mga nangungunang wellness destination sa bansa.
- Latest























