^

PSN Showbiz

Amy, naging anak lahat ng child actress!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Amy, naging anak lahat ng child actress!
Amy
STAR/ File

Napapanood tuwing hapon sa GMA ang Kamao na pinagbibidahan ni Anton Vinzon.

Kabilang din sa naturang Kapuso Afternoon Prime series si Amy Austria. Masayang-masaya ang beteranang aktres sa kanyang pinakabagong proyekto. “Siyempre masaya, lalung-lalo na ‘yung bida naming first time niya na solo bida. Nando’n naman talaga ‘yung confidence namin dahil alam namin, no’ng ginagawa namin maganda na eh, script pa lang maganda na eh. And then nakikita mo ‘yung transition ng mga character, development ng story, tapos ‘yung mga nag-a-unfold na mga secrets,” nakangiting bungad sa amin ni Amy sa Fast Talk with Boy Abunda.

Apat na dekada nang aktibo ang premyadong aktres sa show business. Ngayon lamang ang pangalawang pagkakataon na gumanap si Amy bilang isang lola sa serye. Walang pag-aalinlangang naramdaman ang aktres na tanggapin ang naturang karakter. “Cool lola, wala akong choice eh. Si Princess Sarah ginawa ng nanay, si Camille (Prats), si Matet (de Leon). Lahat ng child actresses na mga naging anak ko no’n, nanay na sila na ang tatangkad ng mga anak nila. Saan ako pupunta? Wala na, wala akong choice. Gusto ko ngang maging leading lady pa rin, para naka-level na. Ako ‘yung bidang pinag-aagawan ng mga kalalakihan, wala eh,” masayang paglalahad niya.

Sina Lorna Tolentino, Sandy Andolong, Isabel Rivas at Gina Alajar ay ilan lamang sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Amy sa mga dekadang nakalipas. Ayon sa beteranang aktres ay talagang magkakasundo sa lahat ng bagay silang magkakaibigan. “Siguro ‘yung respeto, magkakasing-edad din kami halos. At the same time ‘yung tipo namin, prinsipyo sa buhay. Close kami talaga pero at the same time siyempre may kanya-kanyang buhay. May kanya-kanyang pamilya. We have regular Bible study every Saturday. Meron ding kami, ‘Oh, ang tagal na nating hindi nagkikita.’ Simula no’ng pandemic naging Zoom na lang ‘yon. Then, ‘Gawin naman nating face-to-face ‘to,’ or magbi-birthday si ganito. ‘Huwag ka nang maghanda, magpa-potluck na lang tayo. Ang importante magkakasama tayo,’” kwento ng premyadong aktres.

Napabalita noon na nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Amy at Hilda Koronel. Matatandaang si Hilda ang naging asawa ni Jay Ilagan noon. Nang magkahiwalay ay si Amy naman ang nakarelasyon ng namayapang aktor. “Hindi, nagkaroon lang ng mga misunderstanding or intriga sa ibang tao. Una kaming nagkasama (ni Hilda) sa Mahawi Man Ang Ulap (1984). Kontrabida ako doon. We were friends, Lumalabas kami. And something happened lang in between,” pagtatapat ni Amy.

Wala umanong kinalaman ang namayapang aktor sa hindi pagkakaintindihan noon nina Amy at Hilda. Naging malapit na magkaibigan na rin sina Amy at Hilda mahigit limang taon na ang nakalilipas. “Oh no, wala. Matagal na silang hiwalay (no’ng naging kami). Matagal na kaming hindi nagkakausap (ni Hilda), pre-pandemic pa. Ang sabi ko sa daughter niya. Ano kaya kung i-add ko siya as friend sa Facebook? Kasi ‘yung panganay nakakausap ko, friends kami sa Facebook. Sabi ko kapag nakita ko sa mga suggestion ng friends, ia-add ko siya. Eh nakita ko, in-add ko, sumagot naman kaagad. Tapos nag-chat kami talagang wow, I was very happy. Ngayon ang tawag niya sa akin ‘My Love.’ ‘My love, you’re so beautiful,’” pagbabahagi ng beteranang aktres. (Reports from JCC)

AMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with