^

Punto Mo

‘Rosaryo’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG lumabas ako sa opisina ng general manager na si Mrs. Aurora Pineda, masayang-masaya ako. Hindi ko nalimutang magpasalamat sa rosaryo na nasa aking bulsa. Dinukot ko ang rosaryo at saka hinalikan.

Nang pauwi na ako mula sa pag-aaplay, dumaan ako sa Quiapo Church para magpasalamat. Matagal akong lumuhod bilang pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos. Hindi niya ako pinabayaan at agad na dininig ang aking dasal na makahanap ng trabaho. Halos napaiyak ako sa tindi ng pagdarasal at pasasalamat.

Hindi ako binigo ng Diyos. Kapag humiling ka nang taimtim sa Diyos, ipagkakaloob niya iyon. Nangyayari ang lahat dahil sa matibay na paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos. Lahat ay matutupad dahil sa pananalig sa Maykapal.

Dahil nagkaroon ako ng trabaho, nakapag-enrol ako sa kolehiyo. Kumuha ako ng kursong banking and finance sa MLQ University na walking distance lamang sa tinitirhan ko. (Itutuloy)

ROSARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with