^

Probinsiya

Rumatrat sa 8 katao sa BARMM, tukoy na

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nagtutulungan ang pulisya at militar sa pag­hahanap ngayon sa mga suspek na bumaril at pumatay sa apat katao at ikinasugat ng apat na iba sa Barangay Malingao, Kadayangan, Cotabato nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng mga local executives, traditional Moro datus at opisyales ng intelligence units ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang tatlo sa limang salarin na sina Musib Tingan, Suwaib Samlah at Norodin Taaw, kilalang mga dealer ng shabu at marijuana sa lalawigan.

Kinumpirma nitong Miyerkules nina Army Brig. Gen. Ricky Bunayog, commander ng 602nd Infantry Brigade at Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng PRO-BAR ang pagkasawi sa naturang insidente nina Musalik Talusan Balang, Haron Samad Boliongan, Romeo Endig Lombo at ang menor-edad na si Abdul Haruddin Samad.

Sina Balang, Boliongan at Samad ay mga residente ng Barangay Malingao habang si Lombo ay taga ­Barangay Glad sa Midsayap, Cotabato at dumayo lang sa Barangay Malingao. Sila ay sangkot din diumano sa pagbebenta ng shabu, ayon sa mga local executives sa probinsya.

Agad na namatay sa mga tama ng bala sina Balang at Boliongon habang idineklarang dead-on-arrival sina Lombo at Samad sa isang ospital sa Midsayap at ang apat pang sugatan ay patuloy na nailalapatan ng lunas.

BARMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with