^

Probinsiya

2 ‘tulak’ timbog sa Lucena buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Dalawang hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang kalaboso matapos na malambat sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Ibabang Iyam sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Archie, 29, na nakatala bilang High Value Individual (HVI), at Rob, 43, na itinutu­ring na Street Level Individual (SLI).

Ayon sa ulat ni PLt. Col. Ryan Hernandez, chief of police rito, dakong alas-2:27 ng madaling-araw nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng Intelligence Section at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Lucena Component City Police Station katuwang ang Quezon Maritime Police Station at Regional Intelligence Unit 4A PIT North Quezon sa Purok Masagana, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Narekober mula sa mga suspek ang isang sachet at limang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 150 gramo. Tinatayang nagkakahalaga ito ng P3.06 milyon. Nasamsam din ang isang P500 buy-bust money na ginamit sa operas­yon at isang sling bag.

DROGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with