^

Punto Mo

EDITORYAL - May sapat na bang classrooms?

Pang-masa

KAHAPON nagsimula ang Brigada Eskuwela na tatagal hanggang Biyernes. Magkakaroon ng pag­lilinis sa mga eskuwelahan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.

Ang tanong: handa na ba talaga ang Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase? May sapat na bang classrooms para sa mga batang dadagsa sa pasukan? May sapat na bang mga guro? May sapat na bang mga libro para sa mga estudyante? Ayon sa DepEd, tinatayang 28 milyong estudyante ang mag-e-enroll ngayong school year 2026-2027.

Tiyak ang kakulangan sa classrooms at kakula­ngan sa mga guro ang sasalubong sa mga mag-aaral. Tinatayang 65,000 na classrooms ang kulang samantalang 30,000 naman ang kinakailangang mga guro ngayong pasukan.

Ang mga problemang ito ay noon pa nangyayari at sa kabila na may malaking budget ang DepEd para sa pagpapagawa ng mga eskuwelahan at pag-hire sa mga guro, nananatili pa rin at hindi masolusyunan ang mga problema. Ang apektado sa mga problemang ito ay ang mga estudyante. Malaki ang kaugnayan ng pagiging mahina sa klase ng mga estudyante sa aralin sa kakulangan ng classrooms at guro. Kung nagsisiksikan na parang sardinas ang mga estudyante, paano sila makakapagpokus sa aralin. Wala silang matututuhan.

Apektado rin sila kung kulang ang guro. Mayroong mga guro na maraming subjects na hinahawakan kaya hindi na makapag-concentrate ang guro. Pagod na siya sa pagtuturo.

Sa mga nakaraang school opening, karaniwan na ang tanawin na mayroong nagdaraos ng klase sa lobby ng school, sa comfort room na ginawang classroom at mayroong nagkaklase sa ilalim ng punongkahoy. Posibleng mangyari na naman ang senaryong ito kung hindi makagagawa ng paraan ang pamahalaan. Malaking problema para sa mga estudyante ang pagsisiksikan sa classroom.

Ang kakulangan ng classrooms at guro ay inamin naman ni DepEd Sec. Sonny Angara. Tinutugunan na umano ang problemang ito. Nagpapagawa na umano sila ng school buildings subalit talaga lamang mabilis dumami ang mga mag-aaral na nag-e-enroll taun-taon. Patuloy din umano ang pag-hire ng mga bagong guro.

Taun-taon, hindi na nabago ang problema tuwing pasukan. Malaki ang kaugnayan ng dalawang problemang nabanggit sa kalidad ng edukasyon. Sa mga kumpetisyon, nangungulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa Math, Science at Reading Comprehension. Ayon sa report, maraming Grade 2 students ang hindi marunong bumasa. Mayroon ding senior high school students na hindi maunawaan ang binabasa. Dapat malutas ng DepEd ang mga problemang ito. Hindi ito dapat balewalain sapagkat ang mga kabataang mag-aaral ang apektado.

BRIGADA ESKUWELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with