Eala hataw agad sa Birmingham Open
MANILA, Philippines — Hindi nakapalag kay Alex Eala si Priscilla Hon ng Australia nang itarak nito ang matikas na 6-0, 6-2 panalo para umusad sa second round ng 2026 Birmingham Open na ginaganap sa Edgbaston Priory Club sa Birmingham, United Kingdom.
Inilabas agad ni Eala ang bagsik nito sa first set kung saan hindi nakaporma ang Australian netter para sa 1-0 bentahe.
Naipagpatuloy ng 21-anyos Pinay bet ang magandang laro nito sa second set para tuluyang tuldukan ang kampanya ni Hon.
Makakalaban ni Eala sa second round ang mananalo sa pagitan nina Alina Charaeva ng Russia at Great Minren ng Germany.
Samantala, hindi pinalad si Eala sa doubles event.
Umani sina Eala at Nikola Bartunkova ng Czech Republic ng 4-6, 6-2, 9-11 kabiguan sa kamay nina second seeds Harriet Dart at Maia Lumsden ng England sa first round upang maagang mamaalam sa kontensiyon.
Lumaban sina Eala at Bartunkova sa tiebreak kung saan naitabla pa nito ang iskor sa 8-all at 9-all.
Ngunit mas kinatigan ng suwerte ang British pair upang tuluyang makuha ang panalo.
Matapos ang Birmingham Open, sasalang naman si Eala sa Ikley Open sa England din mula Hunyo 8 hanggang 14.
- Latest

















