^

Police Metro

15-anyos pababa tinamaan ng HIV, 277 kaso naitala sa Region 12

Joy Cantos - Pang-masa
15-anyos pababa tinamaan ng HIV, 277 kaso naitala sa Region 12

MANILA, Philippines — Umaabot sa 277 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang naitala sa Region XII  mula ­Enero 1 hanggang Mayo 30, 2026, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng DOH-XII Health Education and Promotion Officer Lea Reformado, sa pinakahuling bilang ay nagpapakita ito ng 56% na pagtaas mula sa 177 kasong unang napaulat sa huling bahagi ng 2025.

Naobserbahan ang pagtaas ng HIV infection sa rehiyon kung saan marami ang naitalang mga lalaki ang apektado ng mga bagong kaso ng nasabing sakit.

Base sa data, ang mga indibidwal na nasa pagitan ng 25-34-anyos ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng tinamaan ng HIV sa nasabing panahon.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang mga health officials sa paglobo ng bilang ng HIV cases sa mga indibidwal na may gulang 15-anyos pagbaba.

Nanawagan naman si Reformado sa publiko na maging responsible at gumamit ng mga pananggalang laban sa ­transmisyon o pagkahawa sa HIV.

Nagbabala rin ang mga health officials sa rehiyon na ang pakiki­pagtalik sa mas maraming partners ay nakapagtataas ng pagkahawa ng HIV at ­maaaring maging panganib sa kanilang mga partner.

MANILA, Philippines — Dahil lamang sa alitan sa pamimitas ng bunga ng mangga, patay ang isang 68-anyos na lola matapos na pagbabaril ng kapitbahay nito sa Brgy, Buenavista, Santa Maria, Isabela nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima sa pangalang ­Nerissa na dead-on-the-spot matapos masapol ng tama ng bala sa dibdib.

Ang suspect ay kinilala naman sa ­pangalang Mario, 51 taong gulang na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng Isabela Police, kinompronta ng suspect ang matanda at dalawa nitong kasama dahil sa pamimitas nila ng bunga ng mangga sa kaniyang taniman.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng lola at suspect kung saan ikinatwiran ng matanda na hitik na hitik ang bunga ng mangga at natakam lamang sila kaya naengganyong mamitas.

Lalong nairita ang suspek kaya ­biglang pinaputukan ng baril ang matanda na tinamaan ng bala sa dibdib bunsod upang duguang bumulagta.

Lumalabas na ang biktima at suspect ay matagal nang may alitan sa hangganan ng kanilang lupain.

Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote ang suspect sa Brgy. Buenavista na nakum­piskahan ng cal 9 mm pistol.

HIV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with