^

PSN Showbiz

Widows’ War, mapapanood na sa Netflix!

Pilipino Star Ngayon
Widows� War, mapapanood na sa Netflix!
Bea Alonzo at Carla Abellana

Mapapanood na ang Widows’ War, isang murder mystery drama na mula sa GMA Network, sa Netflix simula sa April 16.

Pinagbibidahan ito ni Bea Alonzo at Carla Abellana bilang Samantha/Sam at Georgina/George.

Sinusundan nito ang kwento ng dalawang babae na dating matalik na magkaibigan. Matapos ang ilang taong paghihiwalay, muli silang nagtagpo habang nagluluksa sa kanilang mga asawa na sina Paco at Basil.

Sa madaling panahon, sila ay naging mga suspek sa biglaang pagkamatay ng kanilang mga asawa, na naglalagay sa kanilang katinuan at reputasyon sa panganib.

Binubuo rin ito ng mga powerhouse cast na sina Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, Juancho Triviño, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Timmy Cruz, Rita Daniela, Royce Cabrera, Lovely Rivero, James Graham, Charlie Fleming, Matthew Uy, at Ms. Jean Garcia. 

Kabilang din sa star-studded cast sa kanilang espesyal na pagganap na sina Benjamin Alves bilang Basil Palacios, ang competitive husband ni George, at Rafael Rosell bilang Paco Palacios, Sam’s loving husband. 

Ang Widows’ War ay pinrodyus ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng direksyon ng award-winning directors na sina Zig Dulay at Jerry Lopez-Sineneng base sa original concept nina RJ Nuevas at Ken De Leon.

ACTRESS

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->