^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas wawalisin ang Chinese-Taipei at New Zealand

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido ang Gilas Pilipinas na mawalis ang dalawang asignatura nito sa February window ng FIBA Asia Cup Quailiers na parehong idaraos sa labas ng bansa.

Makakasagupa ng mga Pinoy cagers ang Chinese-Taipei sa Pebrero 20 sa Taiwan kasunod ang Tall Blacks sa Auckland, New Zealand sa Pebrero 23.

Aminado si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na matinding laban ang kanilang haharapin lalo pa’t papabor sa mga kalaban nito ang home crowd.

“The two away games we are going to have in February is going to be the toughest part of this window. Two toughest teams and both on the road,” ani Cone.

Importante ang labang ito para sa Chinese-Taipei na kasalukuyang nasa ikatlong puwesto sa 1-3 rekord.

Nangunguna ang Gilas Pilipinas na may malinis na 4-0 marka kabuntot ang New Zealand (3-1).

Nasa ikaapat naman ang Hong Kong na wala pang panalo sa apat na pagsalang.

Nakasigurado na ng tiket ang Pilipinas at New Zealand sa FIBA Asia Cup proper na gaganapin sa Agosto.

Paglalabanan na lamang ang No. 3 spot sa kanilang grupo na siyang papasok sa FIBA Asia Cup.

Kaya naman inaasahang raratsada nang husto ang Chinese-Taipei upang makuha ang krusyal na panalo kontra sa Pinoy squad.

Sa kabilang banda, pakay naman ng New Zealand na makaresbak sa Gilas Pilipinas.

Matatandaang lumasap ang New Zealand ng kabiguan sa Gilas Pilipinas sa second window.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with