^

Probinsiya

Top 8 ‘most wanted’ sa Nueva Ecija nalambat

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng batas ang isang 42-anyos na lalaki na nakatalang top 8 most wanted person (MWP) sa Nueva Ecija makaraang makorner ng mga pulis sa Barangay Gomez, bayan ng Sta. Rosa, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Ferdinand Germino, acting provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), ang naaresto na si Michael Reguyal Moga, mi­yembro umano ng Azarcon criminal group at nakatala rin bilang top 2 MWP sa bayan ng Sta. Rosa.

Nabatid na bandang ala-1:50 ng hapon kama­kalawa, naaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng intel and warrant section ng Sta. Rosa Police station, kasama ng mga ele­mento ng PIU/PPDEU ng NEPPO, at ng 303rd MC-RMFB3, matapos ihain ang warrant of arrest na inilabas noong October 12, 2023 ng presiding judge ng Third Judicial Region, Branch 25 Cabanatuan City, dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with