^

PSN Showbiz

Maris at Jericho, bibida

Pilipino Star Ngayon
Maris at Jericho, bibida
Saksihan ang Asian Drama King bilang successful na architect na si Anton sa Forevermore (Set. 2), ex-boyfriend na si Ethan sa #Walang Forever (Set. 9), furniture maker na si Rocky sa Ngayong Nandito Ka (Set. 16), hopeless romantic na si Joven sa Nasaan Ka Man (Set. 22), at musician na si Diego sa Siargao (Set. 29) na mapapanood sa Monday Drama, 9 p.m.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bibida ang Lavender Fields star na si Jericho Rosales sa cable movie channel na Cinema One ngayong Setyembre.

Saksihan ang Asian Drama King bilang successful na architect na si Anton sa Forevermore (Set. 2), ex-boyfriend na si Ethan sa #Walang Forever (Set. 9), furniture maker na si Rocky sa Ngayong Nandito Ka (Set. 16), hopeless romantic na si Joven sa Nasaan Ka Man (Set. 22), at musician na si Diego sa Siargao (Set. 29) na mapapanood sa Monday Drama, 9 p.m.

Mga kuwento naman ng pag-ibig at kababalaghang swak para sa weekend movie marathon ang handog ng Blockbuster Sundays na mapapanood tuwing Linggo, 7 p.m. Uumpisahan ito ni Pokwang dala ang critically acclaimed na pelikula na Oda sa Wala na mapapanood ngayong Sabado (Set. 7), 5 p.m. Mapapanood din ang Finally Found Someone nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa Set. 8, The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Set. 15, My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa Set. 22, at U-Turn ni Kim Chiu sa Set. 29.

Samantala, maghahatid saya naman ang Sunshine star na si Maris Racal sa kanyang pagbida bilang sikat na “it girl” na si Nancy sa Boyette: Not a Girl Yet (Set. 9), party girl na si Rich sa Bloody Crayons (Set. 10), influencer na si Ellenya sa I’m Ellenya L. (Set. 11), supportive best friend na si Maxine sa Vince & Kath & James (Set. 12), at med student na si Erika sa Block Z (Set. 13) na ipapalabas mula Lunes hanggang Huwebes, 7 p.m. at sa Biyernes, 8 p.m.

Pagkakataon na ring balikan ang ilan sa mga pinakatumatak na pelikula ng iba’t ibang Kapamilya loveteams sa Romance Central. Huwag palampasin ang Everyday I Love You nina Liza Soberano, Enrique Gil, at Gerald Anderson (Set. 8), James & Pat & Dave nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Donny Pangilinan (Set. 15), The Achy Breaky Hearts nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at Richard Yap (Set. 22), at Talk Back and You’re Dead nina James Reid at Nadine Lustre (Set. 29) na mapapanood tuwing Linggo, 5 p.m.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers.

Kapuso Foundation, tuloy sa ayuda sa mga binagyo ng Enteng

Naglunsad ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ng mga relief operation para sa mga apektado ng Bagyong Enteng.

Namahagi ng relief packs ang socio-civic arm ng GMA sa mga naapektuhan sa probinsya ng Rizal. Kabilang sa mga nahandugan ng relief packs ang 1,200 na indibidwal mula sa munisipalidad ng Baras, at 500 na indibidwal ang nabigyan ng hot meals mula sa Kapuso Soup Kitchen.

Mahigit 300 na indibidwal naman mula sa Barangay Bagumbayan at Barangay Hulo sa munisipalidad ng Pililla ang naabutan ng food packs.

Nabigyan din ng tulong ng GMAKF ang mga lumikas na residente sa Barangay Bagong Nayon at Barangay San Isidro ng Antipolo, Rizal.

Sa ilalim ng Operation Bayanihan Project, 1,000 pamilya o 4,000 na indibidwal ang nakatanggap ng relief packs, at 500 na indibidwal ang nabigyan ng hot meals mula sa Kapuso Soup Kitchen.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with