^

PSN Palaro

Nuggets dumikit sa Timberwolves

Pilipino Star Ngayon
Nuggets dumikit sa Timberwolves
Gigil na isinalpak ni Aaron Gordon ng Nuggets ang isang two-handed dunk kontra sa Timberwolves sa Game 4.

MINNEAPOLIS — Matapos isuko ang Games One at Two sa kanilang homecourt ay dalawang dikit na panalo naman ang inilista ng Denver Nuggets sa tahanan ng Minnesota Timberwolves.

Umiskor si Nikola Jokic ng 16 sa kanyang 35 points sa fourth quarter para ga­bayan ang Nuggets sa 115-107 paggupo sa Timber­wolves sa Game Four at itabla sa 2-2 ang kanilang Wes­tern Conference semifinals series.

Nagdagdag si Aaron Gordon ng 27 points mula sa 11-for-12 field goal shooting para sa defen­ding champions na kakuha kay Ja­mal Murray ng 19 points.

Binanderahan ni Antho­ny Edwards ang Minnesota sa kanyang 44 points na isang franchise postseason record.

Ibabalik ang Game Five sa Denver bukas.

Nag-ambag si Mike Conley ng 15 points, habang tumipa si Karl-Anthony Towns ng 13 points at 12 rebounds at kumolekta si Rudy Gobert ng 11 points at 14 rebounds para sa Timberwolves.

Sa Indianapolis, bumira si Tyrese Haliburton ng 20 points sa 121-89 paggi­ba ng Indiana Pacers sa New York Knicks sa Game Four para idikit sa 2-2 ang kanilang Eastern Confe­rence semifinal duel.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Pacers ma­tapos mahulog sa 0-2 agwat sa kanilang serye ng Knicks.

Gagawin ang Game Five sa New York.

Nag-ambag si T.J. McConnell ng 15 points at 10 assists, habang nagtala sina Obi Toppin at Pascal Siakam ng tig-14 markers kasunod ang 13 points ni Myles Turner.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with