^

Pang Movies

, malabo na ulit maghiwalay!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
, malabo na ulit maghiwalay!
Rosemarie at Eddie

Totoo ang kasabihang “Love is lovelier the second time around” at ito’y nangyari sa maraming couples including couples from showbiz tulad nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, Aiko Melendez at Onemig Bondoc and most recently, sina Irene Celebre at Artie Perez de Tagle to mention a few.

Sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil ay ikinasal nung 1961 at nabiyayaan ng tatlong anak – sina Michael del Mesa at kapwa nang yumao na sina Mark Gil at Cherie Gil. Pero tulad ng ibang mag-asawa, ito’y nauwi sa hiwalayan at nagkani-kanya ng buhay. Pero pagkalipas ng maraming taon ay muling nagkabalikan ang dating mag-asawa at masayang nagsasama hanggang ngayon.

Si Eddie na siyang tinaguriang “Elvis Presley of the Philippines” ay isa noon sa paboritong leading men sa pelikula bukod pa sa kanyang pagiging in-demand singer.

Ang (dating mag-asawa) ay nagkahiwalay nung 1970 pero muling nagkabalikan 16 years later – 1986. At magmula noon ay hindi na sila nagkahiwalay  at naging sentro ng kanilang relasyon ang Diyos.

Si Onemig Bondoc ay isa nang masugit na manliligaw noon ni Aiko pero napunta silang dalawa sa iba’t partners at ibang pamilya pero nahiwalay ang dalawa sa kanilang respective partners. Twenty years later ay muli silang pinagtagpo ng tadhana matapos maimbitahan ni Aiko si Onemig na mag-guest sa kanyang vlog.

Ang most recent na balikan ay ang dating magkasintahang Irene Celebre (ina ng actor na si Gabby Eigenmann) at dating recording artist ng Vicor Music Corporation at anak ng dating actress-comedienne, host at tinaguriang ‘Reyna ng Kundiman’ na si Sylvia La Torre na si Artie Perez de Tagle.

Sa totoo lang, Salve A., napakaganda at nakaka-inspire ang magkakahiwalay na love stories ng tatlong showbiz couples na itinadhanang magkatagpo at magkabalikang muli.

ROSEMARIE GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with