Vice, may kampanya sa UAAP community

“Hope u guys enjoyed that. Im sooooooooooo pagodccchhhh!!! Fowtahhhhh !!!! Love you guysccchhhh!,” isa sa post ni Vice Ganda pagkatapos ng pakabog niyang opening number sa UAAP (University Athletic Association of the Philippines) Season 89 na host school ang Far Eastern University (FEU), alma mater ng TV host/comedian.
Dagdag niya pang tweet: “Dama ko pa din yung energy ng UAAP opening kahapon kahit nakatulog nako ng 8hrs. I’m grateful, relieved, gratified, fulfilled, honored, and joyful! It’s a big privilege to still be able to entertain you. My heart is full!”
Pero tumatak din ang kanyang speech kasabay ng pag-alala niya sa kanyang pagiging estudyante.
Nagbigay nga ng matapang na mensahe si Vice Ganda para sa mga kabataan, partikular na sa mga Gen Z sa opening ceremony ng UAAP Season 89 na ginanap last Saturday.
“Isang dating pangkaraniwang estudyante na humarap sa napakaraming hamon sa buhay — hamon ng kahirapan, hamon ng diskriminasyon, isama na rin natin ang hamon sa mga snatcher sa kahabaan ng Recto noon,” umpisa niya pero aniya sa nasabing eskwelahan daw niya naramdaman ang kanyang totoong pagkatao.
Hanggang hinamon na niya ang UAAP community partikular na ang mga Gen Z. Aniya, dapat silang bumoto nang tama sa susunod na eleksyon at huwag papanalunin ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan. “It is very important that we exist in an environment that allows us to win. Kaya naman ang hamon ko sa inyo, ipanalo ninyo ang lipunang magbibigay sa inyo ng disenteng pamumuhay at kalayaang magtagumpay!
“At mangyayari lamang ‘yan ‘pag naipanalo ninyo ang mga lider na hindi kayo nanakawan at gagawin kayong bobo at ilulubog ang inyong dangal at pag-asa sa baha!” malakas na sigaw ng Unkabogable Star.
Patuloy pa niya, “Kaya naman Gen Zs, I challenge you to fight, show up, and win no matter what!”
Pahabol pa niya: “I felt like it was the perfect moment to do it. Perfect audience, perfect target audience, perfect target listener, perfect location so I didn’t want to waste that chance since you said nga na PolSci (Political Science) student ako, kailangan bigyan natin sila ng glimpse ng ano bang pinag-aralan niya sa FEU.”
Dagdag pa niya, “I didn’t wanna waste the chance, sila ang tina-target natin ngayon na mga tao na gusto nating ma-inspire sa puwede nating sabihin at makasama sa kung anumang gusto nating gawing pagbabago sa bansa kaya ‘yung message na ‘yun swak sa kanila.”
- Latest























